About Me

Subscribe now!Feeds RSS

Latest posts

Hot Links

Saturday, December 09, 2006

Orgenik

2 comments


Inakyat namin ang maalikabok at mabundok na daan tungo sa Barrio Abrazando, na mataas ang sikat ng araw, na sumunog sa balat, at umubos ng pasensya ni Arman.

"Punyeta naman this place, it's sooo hot, I don't have sunscreen pa naman," reklamo ni Arman.

Ubos na ang aking lakas upang suwayin ang kaartehan ni Arman, at patuloy na lamang sa paglalakad. 'Di umiimik ang iba naming kasamahan, sina Joey at si Vic, na bakas na rin ang kapaguran sa kanilang katihimikan.

Matapos ang walang katapusang paglalakad at pagpunas ng pawis at karagdagan pang mga reklamo mula kay Arman (sana nagsuot na lang daw siya ng hiking shoes), narating na namin ang aming pakay.

Pumawi sa aming pagod ang aming nakita. Umaalingasaw ang amoy ng sariwang damo na sinaliwan ng aming mga buntung-hininga. Halos gusto na naming mamatay.

"Finally, finally, finally," ang unang nasambit ni Arman at tuluyan itong bumagsak sa lupa.

"Madumi diyan, diba maarte ka?" sambit ko. Napaupo na kaming lahat, hindi na nakapaghintay ang aming mga pagal na katawan.

"Madamo naman here eh. Tsaka I'm lovin the sweet smell of grass!" tugon ni Arman at tuluyan nang pumikit ang kanyang mga mata.

Matagal din kaming tahimik na nagpahingang parang wala nang bukas. Sampung kilometro rin kasi ang aming nilakad.

"Nandyan na ang mga adik!" sigaw ng parating na isang paslit, na sinusundan ng halos di ko makilalang si Manong Ruding.

"Ayus ng gupit natin Manong Ruding ah," papuri ni Vic sa well-styled longback haircut ni Manong Ruding, na nakapagtatakang gupit ng isang taga-bundok, na hindi pa bumababa mula nang patalsikin si Erap sa Malacanang.

"Yeah, you guys like it?" nakakagulat na sagot ni Manong Ruding habang nakangiwing hinahaplos ang kanyang buhok.

"Ay taray nitrels, English ang labanan," patawang sagot ni Joey.

"Ano?" Napahiya yata si Mang Ruding, ang bagong Highland Metrosexual.

"Naku wag niyo na hong pansinin yang mga yan. Asan na po pala yung pakay namin? Kailangan po naming makababa agad sa bayan bago lumubog ang araw."

"Ayan o, hinihigaan ng mga kasama mo," turo ng nguso ni Manong Ruding sa mga tuyong dahon na nakakalat sa lupa sabay abot sa akin ng isang lumang bibliya, "Eto pangrolyo niyo."

"Ay putang ina!" sabay-sabay kaming napasigaw.

Para kaming mga gutom na batang namulot ng mga tuyong dahon ng marihuana, dali daling nagrolyo at nagpunit ng mga pahina ng bibliya.

Ipininid namin ang mga dahon sa mga kabanata ng sulat ni San Pablo sa mga taga Roma, hanggang sa mga litanya ng mga pangako ng Buhay na Walang Hanggan, at ng Kaligtasan sabay siniliban. Humithit kami ng humithit, at agad-agad naming narating ang pinagpaguran naming langit.

Sa gitna ng kabangagan, lumipad kami sa alapaap ng mga panaginip at saglit naming nalimutan, hindi pala talaga kailangan ang Kaligtasan.

Comments
2 comments
Do you have any suggestions? Add your comment. Please don't spam!
Subscribe to my feed
Anonymous said...

ang galing mo.

i heart you.

naka-link ka pa rin sa blog ko.

Anonymous said...

ang galing mo.

I Heart You.

Naka-link ka pa rin sa blog ko.

Post a Comment