Sa kabila ng pagkahumaling sa musikang Hed Kandi at Janis Joplin, hindi pa rin nawawala sa dugo ko ang excitement sa tuwing naririnig ko si Dong Abay.
Si Dong Abay ang pasimuno ng bandang Yano at PAN noong dekada 90 kung saan ang mga letra ng bawat awiting lumabas sa kanilang mga rekord ay hindi lamang sinayang sa depiksyon ng ulan (Cueshe, "Lagi na lang umuulan) o ng simpleng pagkaalam sa mga bagay (Yasmin Kurdi, "I know... i know...) kundi sa kabuuang pagsalamin sa buhay, mula sa maliit hanggang sa malawakan.
Naging tema ng buhay kolehiyo ang ilan sa kanilang awitin lalo na't ang mga panahong iyon ay ang aking panahon ng pagkatuto, hindi lamang sa akademikong paraan kundi sa napakalaki at napakagarang lipunan. Tsinelas, Cono Ka Pre, Kumusta Na - ilan lamang ito sa mga kantang paulit-ulit na gumagasgas ng kuryente't alaala ng mga sandali ng mild to extreme na pakikibaka.
Tapos biglang lumabas na naman si Dong Abay, tapos meron na akong kopya nung mga kanta niya. Sabi ko na lang o, AYUS.
Di ko pa nga napapakinggan yung buong album in manner of babad-listening. Pero im sure magagasgas din to balang araw.
And, er, I'll try to do an, er, album review?
I can't promise. Alam niyo naman ako, masipag. *wink*
Tuesday, October 03, 2006
Ako Ay FLIPINO
Tag
1
comments
Save to del.icio.us
0 hits!
Subscribe to my feed
un nga ang nakainis sa mga bagong banda ngayon, panay kanta lang na wala namang kuenta basta sumikat lang... nawawala na ung totoong esensya ng kanta diba...